INIUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang agarang implementasyon ng “no apprehension during rush hours” sa mga kalsada ng Maynila.
Sa isang statement, sinabi ni Lacuna na inatasan na niya si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief, Narciso Diokno III, na ipatupad ang polisya laban sa panghuhuli sa mga turista tuwing rush hour upang hindi makasagabal sa daloy ng trapiko.
Ang rush hour ay tuwing alas-6 hanggang alas-9 ng umagat at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Gayunman, niliwanag ni Lacuna na ang nasabing polisiya ay hindi nangangahulugan na maaari nang maging pasaway ang mga motorista sa kalsada.