SIMULA ngayong buwan ipatutupad ang dagdag-sweldo mula P30 hanggang P110, sa 14 rehiyon na nauna nang inaprubahan ng regional wage boards.
Pinasalamatan naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga wage board sa pag-akto ng mga ito sa mga hinaing na dagdag-sweldo sa mga wage earners.
Unang ipinatupad ang P33 dagdag-sweldo sa National Capital Region nitong Sabado, Hunyo 4, dahilan para umakyat sa P570 ang arawang sweldo ng mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 naman sa agriculture sector.
Sa Cordillera Administrative Region, ipatutupad sa dalawang tranches ang P50-P60 pay hike. Epeketibo sa June 14 ang sweldong P380 na magiging P400 sa January 1, 2023.
Ang sweldo naman ng mga kasambahay ay may umentong P500 hanggang P1,500 across the region.
Sa Ilocos Region, ang bagong minimum wage rate ay mula sa P372 to P400, at ipatutupad sa dalawa hanggang tatlong tranches simula Hunyo 6.
Sa Cagayan Valley, ang bagong minimum na P400-P420 ay sa Hunyo 8 ipatutupad. habang sa Cetral Luzon ay ipatutupad ang bagong wage hike na P414-P460 at P344 hanggang P409 naman sa Aurora province.
Sa Calabarzon, ang bagong minimum wage, na ipatutupad sa dalawang tranches na mula P390 to P470 sa non-agriculture sector; at P350 hanggang P429 sa agriculture sector; and P350 in retail and service establishments employing not more than 10 workers.
Ang mga workers sa MIMAROPA ay makakatanggap naman ng P35 umenot simula sa June 10, habang sa Bicol ang bagong minimum wage ay P365 across all sectors, na ipatutupad ang unang tranche sa June 18 at ang ikalawang tranche sa December 1.
Ang mga kasambahay ay nakakatanggap ng P1,000 hanggang P1,5000 umento.
Sa Visayas, partikular sa Region 6 aabot sa P410 hanggang P450 ang bagong minimum wage na magsiismula sa June 5; habang sa Region7 ay magiging P382 hanggang P435 ang bagong minimum wage. May P500 ument naman sa kasambahay na magiging epektibo sa June 14.
Sa Mindanao, ang bagong minimum wage na P378 hanggang P405 sa Region10 ay dalawang tranche din ipatutupad, ang una ay sa Hunyo 18 at ang ikalawa ay sa Decemebr 16.
Sa Davao region, ipatutupad ang P47 hike sa mga manggagawa across all sectors sa tatlong bigay, simula sa Hunyo 19.
Sa SOCCSKSARGEN, ipatutupad ang P32-wage increase sa dalawang tranches simula sa Hunyo 9 at September 1.
At sa CARAGA, aabot na sa P350 ang bagong minimum wage sa Hunyo 6.