HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng COVID-19 antigen test bago dumalo sa mga Christmas party.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mas epektibo ang paggamit ng antigen test sa mga taong mga may sintomas ng COVID-19.
“‘Pag ginagamit po natin ang antigen test for screening, which is really not recommended, you might get false positive or false negative results. This would just give you inaccurate management,” aniya.
Ayon pa kay Vergeire, ang false negative result ay maaring mag-resulta sa virus transmission.
Hinimok ng health official ang publiko na gumamit ng health screening sa halip na gumamit ng antigen tests.
Kung nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng runny nose, dapat ay manatili na lang sa bahay, sabi pa ni Vergeire.