UMABOT sa mahigit 92,000 deboto ang nakipista sa pagdiriwang ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand Lunes ng madaling araw.
Ikinalugod din ng mga organizer na naging maayos at payapa ang selebrasyon.
“Generally we were able to hold it very well, executed well, our Mass is organized. Our devotees are well organized. So we can say that this third leg is successful,” ayon kay Fr. Earl Valdez, spokesperson ng Simbahan ng Quiapo.
Ang Eucharistic celebration na ginanap sa Quirino Grandstand na pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ay ang kauna-unahang selebrasyon na face-to-face simula nang maihinto ito dahil sa banta ng coronavirus disease noong Marso 2020.
Sa kanyang misa, hinikayat ni Advincula ang mga deboto na ipakita ang kanilang debosyon sa Itim na Nazareno sa pagiging maawain at mapagbigay.
“Let’s empathize with our neighbors and care for each other. Let’s reach out to our brothers and sisters, especially those who are struggling right now,” ani Advincula.
Bago pa sa isinagawang Fiesta Mass, nauna na rin isinagawa ang “pagpupugay” at Walk of Faith na kapalit ng tradisyunal na pahalik at traslacion.