INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Development Authority (NEDA) Director-General and Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na tiyakin na maiimprenta ang 50 milyong national identification (ID) card sa unang bahagi ng 2023.
Sa isang pakikipagpulong ni Marcos kay Balisacan habang nasa isolation, sinabi niya na dapat nang maipatupad ang national ID sa lalong madaling panahon.
“During our meeting with NEDA Director-General Arsenio Balisacan, we discussed how we could speed up the printing and distribution of National ID cards to allow our countrymen to use it in the first half of 2023,” sabi ni Marcos sa isang post.
Tinatapos na lamang ni Marcos ang kanyang quarantine matapos magpositibo sa Covid-19, bagamat inaasahang balik na sa face-to-face na mga aktibidad sa Biyernes nang magnegatibo na sa huling antigen test.