NANGANGANIB na mapurnada ang may 500,000 alok na trabaho ng Grab Philippines na una nang ibinida ng Malacanang kung hindi babawasan ng gobyerno ang requirement na ipinatutupad sa mga driver na nais makasama sa nasabing trabaho.
Matatandaan na noong isang buwan ay inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos ang deal na pinasok nito sa ride hailing companykung saan magbubukas ang huli ng may 500,000 trabaho. Ibig sabihin, bubuksan nito ang Transport Network Vehicles Service or TNVS na ngayon ay meron laamgn 65,000 units sa buong bansa.
Dahil dito, kaagad na inanunsyo ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng 100,000 slots para sa TNVS, at kailangan lamang ay masunod ang mga rekititos na ipinatutupad.
Ngunit ayon sa Grab, sadyang mahirap ang mga requirements na hinihingi ng pamahalaan para sa mga aplikante, at imposible anilang makakuha ng Provisional Authority (PA) maliban na lang kung bibili ang aplikante ng bagong kotse ng cash.
Sa rules na inihain ng LTFRB, kailangan hindi bababa sa tatlong taon ang sasakyan na ia-aplay at kailangan makakuha ng Certificate of Conformity (COC) mula sa bangko kung ito man ay nabili through amortization.
Ayon kay Grab Managing Director for Operations Ronald Roda mahirap ang nasabing mga requiremenet. Katunayan, 80% ngayon ng kanilang aplikante ang hindi nakapasa dahil hindi nasunod ang dalawang requirement.
“Just the COC, if the LTFRB can remove this requirement, we will be the ones to ask the banks for this instead of the applicants then the approval process will be five times faster, and we may be able to fulfill this 100K slots opened by LTFRB. As it is, the 100K slots may take us two years, what more the full 500K offered by Malacanang,” pahayag ni Roda.