UMABOT sa 400,182 ang mga pasaherong sumakay sa MRT-3 nitong Miyerkules, Pebrero 1, 2023.
Ito ang pinakamataas na naitalang single-day ridership ng MRT-3 simula nang magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020 bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Mas mataas ito sa dating naitalang pinakamataas ng single-day ridership na 396,345 na naitala noong Enero 20, 2023.
“Ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong nabibigyang serbisyo ng MRT-3 ay patunay ng mas pinabuting serbisyo ng linya at maayos na pangangalaga at rehabilitasyon ng mga bagon at subsystems nito,” ayon sa post sa official Facebook page ng MRT-3.