TINATAYANG 40 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na sumama ang kalagayan ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang fourth quarter survey mula Disyembre 11 hanggang 16, 2021, 40% ang nagsabi na lumala pa ang kalidad ng kanilang buhay kumpara sa nakalipas na isang taon,.
Nasa 24% ang nagsabi na gumanda at 36% naman ang nagsabi na walang pagbabago.
Nangangahulugan naman ito ng net gainer na iskor na -16% na ayon sa SWS ay matatawag na mediocre.
Mas mataas naman ito ng 28 puntos kumpara sa extremely low noong September 2021, bagamat 34 puntos pa ring mas mababa kumpara sa very high na +18 bago mag pandemya noong Disyembre 2019.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face na panayam sa of 1,440 indibidwal, kung saan tig 360 Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.