MAY 300 inmates o persons deprived of liberty (PDL) ang nakaabang ngayon para ma-evaluate kung karapat-dapat silang mapili para mabigyan ng executive clemency.
“There are about 300 of them who are up for executive clemency, and this will come from the BPP (Board of Pardons and Parole),” ayon kay Justice Spokesperson Jose Dominic Clavano IV.
Ito ay kasunod na rin ng paghingi ni Justice Secretary Crispin Remulla sa Board of Pardons and Parole (BPP) at Parole and Probation Administration ng listahan ng mga kwalipikadong inmates na maaring irekomenda.
Sa Huwebes inaasahang maisumite ang listahan ng mga kandidato na posibleng makatanggap ng clemency