3 bagets nasagasaan ng tren, todas

PATAY ang tatlong kabataan makaraang
masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa Sta. Mesa, Maynila nitong Linggo ng gabi.


Dead on the spot ang mga biktima na may edad 16 at 17 at mga residente ng Brgy. Old Sta. Mesa.


Halos nalasog ang kanilang mga katawan dahil sa aksidente, sabi ng pulisya.


Ayon sa ulat, naglalakad sa riles ang tatlo, na galing sa basketball, nang salpukin sila ng rumaragasang tren alas-6 ng gabi.


Napag-alaman na sinigawan na ng mga tao ang tatlo na umalis ng riles pero tila hindi umano sila narinig ng mga ito.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng train operator.