2 inmate dedbol sa ‘agaw-armas’ sa Marikina City Jail

NAPATAY ang dalawang detainee ng Marikina City Jail makaraan umano nilang agawin ang baril ng guwardiya nitong Huwebes ng gabi.


Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology spokesperson Chief Insp. Xavier Solda na nasawi ang dalawang inmate sa insidente. Hindi naman niya pinangalanan ang mga ito.


Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, tinangkang tumakas ng dalawang inmate kaya nanghablot ng baril ang mga ito alas-6 ng gabi.


Nagpaputok umano ang mga suspek sa mga rumespondeng pulis kaya gumanti ang huli at napuruhan sila.


Dagdag ni Teodoro,vinabot ng 30 minuto ang insidente.


Tikom naman ang bibig ng alkalde sa ulat na naganap ang shootout matapos gawing hostage ng mga inmate ang dalawang nurse na nagsasagawa ng medical mission sa kulungan.


Sinabi ni Teodoro na magbibigay ng mga opisiyal na detalye ang pulisya matapos bilang magsagawa ng imbestigasyon. –A. Mae Rodriguez