INAASAHAN na dadagsain ng may isang milyong deboto ang Quirino Grandstand sa Maynila para sa selebrasyon ng Itim na Nazareno ngayong weekend.
“In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a million,” ayon kay Fr. Earl Valden ng Quiapo church.
Ilalagak ang imahe ng Nazareno sa Quirino Grandstand ng tatlong araw mula Enero 7 hanggang 9.
Sisimulan ang pista sa “pagpupugay” kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga deboto para makita at mahawakan ang imahe mula Enero 7 hanggang 9, kapalit ng tradisyunal na “pahalik”.
Sa Enero 8, isang misa naman ang isasagawa sa hatinggabi na gagawin ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector Minor Basilica of the Black Nazarene, na siya namang susundan ng prusisyon na “Walk of Faith”.
Gagawin ang prosesyon mula sa Grandstand pabalik sa Quiapo Church.
Hatinggabi naman ng Enero 9, pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang misa para sa aktuwal na pista.