BINIGYANG ayuda nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang may 1,800 pamilya na nasunugan sa Tondo nitong Sabado.
Persona na nagtungo ang mga opisyal kasama ang ilang mga konsehal ng lungsod para iabot ang tulong at personal na ring kumustahin ang mga biktima ng dalawang sunog.
Binigyang direktiba rin ni Lacuna ang lahat ng concerned local government units para magbigay ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga biktima.
Pinakilos din ni Servo ang kanyang “Lingkod-Bayan” team para tulungan ang ibang units ng lokal na pamahalaan para ayudahan ang mga biktima.
Bukod sa pagkain, tubig, partition tents, binigyan din ang mga biktima ng partition tents para pansamantalang matutuluyan.
Inatasan na rin ni Lacuna ang mga opisyal na bilisan ang pagproseso sa bawat pamilya para makatanggap ng tulong pinansiyal.
Naganap ang sunog alas 11:44 ng umaga nitong Sabado sa Aroma Road 10 sa Vitas, Tondo, at Balintawak Street alas 2:30 ng hapon.
Wala namang naiulat na nasawi sa dalawang sunog.
Samantala, sinuspindi ni Lacuna ang face-to-face at online classes sa Gen. Vicente Lim Elementary School ngayong Lunes (Sept. 16, 2024) dahil pansamantalang ginagamit ito bilang evacuation center ng mga pamilyang nawalan ng tirahan, ayon sa tagapagsalita ng alkalde na si Atty. Princess Abante.
Ani Abante, magkakaroon ng make-up classes para sa 3,900 mag-aaral ng nasabing paaralan at ang pagbabalik ng klase ay agad namang iaanunsyo ng pamahalaang-lokal. (Jerry Tan)