Hindi payag si Pangulong Duterte sa panawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na luwagan ang umiiral na 14-day quarantine sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.
Iginiit ni Duterte na bagamat magastos, hindi maaaring makipagsapalaran ang bansa sa harap na rin ng mga bagong variant ng COVID-19.
“I cannot compromise. There is no compromise here. I am not ready for compromise here, lalo ngayon, yung ibang sakit siguro pwede pa yung rabbies, rabbies diyan, pero ito eh talagang as you’ve said, talagang dapo dito dapo doon and then you have an exponential problem of how to take care of Filipinos,” sabi ni Duterte.
Sa isinagawang public address na dinaluhan ng mga eksperto, sinabi nila na maaaring ibaba hanggang 10 araw ang quarantine at hindi na isailalim sa swab test ang OFWs kung walang mga sintomas.
Idinagdag ni Duterte na nauunawaan niya ang panawagan ni Bello dahil sa paubos nang pondo ng gobyerno.