SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na umabot sa 24.7 porsiyento ang mga nawalan ng trabaho sa huling bahagi ng 2021.
Sa isinasagawang survey ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021, tinatayang aabot sa 11 milyon ang nawalan ng trabaho noong Disyembre 2021.
Mas mababa naman ito kumpara sa naitang 11.9 milyon noong Setyembre 2021.
Halos hindi nagbago ang mga datos sa 24.8 porsiyentong naitala noong Setyembre 2021.
Sa kabuuan, umabot sa 25.7 porsiyento ang mga walang trabaho noong 2021 na mas mababa ng 11.7 puntos kumpara sa naitalang pinakamataas na 37.4 porsiyento noong 2020.
Mas mataas pa rin ang naitala noong 2021 na unemployment ng 5.9 puntos bago magkaroon ng pandemya noong 2019 na umabot lamang sa 19.8 porsiyento.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,440 respondent sa buong bansa.