INIHAYAG ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) na balik na ang 100% kapasidad ng mga tren nito simula bukas, Marso 1, kasabay nang paglalagay sa Alert Level 1 sa buong Kamaynilaan.
Idinagdag ng MRT3 na katumbas ito ng 394 ba pasahero kada bangon o 1,182 na pasahero kada train set.
Mula ito sa dating 70% passenger capacity ng mga tren na may katumbas na 276 na pasahero kada bagon o 827 na pasahero kasa train set.
Iginiit naman ng MRT3 na bawal pa rin ang pagkain, pag-inom at pagsagot sa telepono sa loob ng mga tren.
Mahigpit pa rin ipatutupad ang pagsusuot ng mask.
Magsisimula ang Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 iba pang lugar sa bansa simula bukas na tatagal hanggang Marso 15.