PIRMADO na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang arrest warrant laban sa kontrobersyal na Kingdom of Jesus Christ founder na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy nitong pagdedma sa hearing sa Senado hinggil sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.
Ayon kay Zubiri, ministerial lang ang kanyang pirma, lalo pa’t nakita na ng Senate committee on women and gender equality na walang merito ang mga dahilan ni Quiboloy kung bakit siya hindi dumadalo sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros.
Nilinaw naman ni Zubiri na hindi isang “parusa” ang ginawang pagpaparesto sa kanya, kundi nais lang nitong gawing makabuluhan ang isinasagawang pagdinig at mapanindigan nito ang Senate’s power of inquiry.
“We are signing the order to protect our committee system, to preserve the Senate’s power of inquiry with the process to enforce it. Should the witness appear during the next hearing and purge himself of contempt, there will be no need to order his arrest,” ani Zubiri.
Dahil dito, inatasan na ang Senate sergeant-at-arms na ipatupad ang pag-aresto kay Quiboloy.
Una nang nagpahayag ang Philippine National Police na handa itong magigay ng seguridad sa sergeant-at-arms habang ipinapatupad laban kay Quiboloy.