MATAPOS gulatin ang Southern Leyte ng malakas na lindol Huwebes ng umaga, niyanig din ang Zamboanga del Norte ng 5.4 magnitude na lindol ilang oras lang ang pagitan.
Naganap ang lindol na unang naiulat ay 6.1 magnitude ngunit opisyal na ibinaba sa 5.4 magnitude, alas-11:41 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumama ang lindol limang kilometro timogsilangan ng bayan ng Siocon na may lalim na 43 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Siocon; Ipil, Zamboanga Sibugay; Isabela City, habang Intensity IV sa Zamboanga City; Sibuco, Zamboanga del Norte; Dimataling, Zamboanga del Sur; Alicia, Zamboanga Sibugay.
Naitala naman ang Intensity III sa Dipolog at President Manuel A. Roxas, Zamboanga del Norte; Buug at Siay, Zamboanga Sibugay at Intensity II sa San Jose, Antique; City of Himamaylan, Negros Occidental; Molave, Zamboanga del Sur; and intensity I sa City of Kabankalan, Negros Occidental.