INUGA ng magnitude 4.8 na lindol ang Zambales kaninang alas-3:16 ng hapon kung saan naramdaman ang Intensity 3 sa Quezon City.
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang sentro ng lindol 26 kilometro kanluran ng Palaiug, Zambales. May lalim ito na 46 kilometro at tectonic ang origin. Naitala rin ang instrumental intensity 3 sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino, Zambales. Wala namang inaasahang aftershock o pinsala dulot ng lindol.