‘You do note’ girl rumesbak sa body shamers: Paano maging flawless kilikili ko?

HUMINGI ng tulong sa publiko ang social media personality na si Majo o mas kilala bilang “You do note girl” makaraang ma-bash dahil sa buhok niya sa kilikili na sumungaw sa kanyang “Asoka Make-up Transformation Challenge” video.

Aniya: “Hello po! Paki-comment po kung paano o sino po ang pwede makatulong, paano po maging flawless ang kili-kili ko,”

“Paki-tag po sila. Pupuntahan ko agad agad. Para di na po ako mabash,” dagdag niya.

Bago ito umapela rin si Majo ng pang-unawa sa mga netizens na ipinahiya siya dahil sa buhok niya sa kilikili.

Aniya:

“Let’s us not normalize [body shaming.] Specially if [it’s] normal na may buhok tayo sa [kilikili.] Nakita nyo lang po ang normal sa akin at sa ating lahat.

“Pare-parehas lang po tayong nilalang ng Panginoon sa kaniyang wangis. Wala po tayong pinagkaiba. Tayo lang po ang nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa natin.

“Kabataan ang Pag-asa ng ating Bayang Pilipinas. Matuto po tayong panatilihin ang pagiging makatao at makabayan. Maraming Salamat po.”