Sa pamamahala ni Gov. Daniel Fernando, naging modelo ng kaunlaran ang probinsya ng Bulacan.
Sa pamumuno ni Fernando, katuwang ang mga local executives ng bawat siyudad at bayan, naging maayos ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura, edukasyon, at kalusugan para sa mga residente.
Ang itinatayong Manila International Airport ng San Miguel Corporation ay isang malaking estrelya sa pamumuno ng gobernador.
Habang ang pag-usbong ng mga negosyo sa lalawigan ay patunay na may tiwala ang mga Bulakeño sa kakayahang mamuno ng gobernador.
Kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang mga taga-San Jose del Monte sa suportang ibinibigay ng kapitolyo upang maging ganap na highly urbanized city o HUC ang kanilang siyudad.
Highly-urbanized city
Sa oras na maging HUC ang San Jose del Monte, mas maraming trabaho, kalidad na serbisyo at higit na mapapabuti ang buhay ng mga San Joseños.
Bukod pa rito, ayon naman kay San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes, mas malaking pondo ang makukuha ng lungsod mula sa pambansang pamahalaan upang maisaayos ang mga imprastraktura, edukasyon at iba pang serbisyong pang-komunidad.
“We have started laying the foundation in the city wherein we only have one aim that is to improve the lives of San Joseños,” ani Robles.
Makakatulong din, dagdag niya, ang pagiging HUC sa paglago at pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at pamamahala.
“Maaaring i-channel ng lungsod ang mga pamumuhunan sa mas mabuting serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, pangagailagang kalusugan, kalinisan at kaligtasan ng publiko, pagpapaunlad ng mga pinahusay na paaralan, ospital at mahahalagang serbisyo sa komunidad,” wika ni Robes.
Plebisito
Noong Disyembre 2020, ipirinoklama ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057.
Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte sa panlalawigang plebisito upang maging ganap ito na HUC.
Umaasa naman si Robes na “overwhelming” na YES ang mananaig sa darating na Oktubre 30, 2023 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Subalit sa suporta ni Fernando at ng buong lalawigan ay walang duda na nakatakda nang maging highly urbanized city ang San Jose Del Monte, dagdag ng alkalde.