Site icon Pinoy Publiko

Yate lumubog sa Palawan, 4 nawawala

Ang yate na naiulat na lumubog sa Tubbataha. (Photo courtesy of PCG)

LUMUBOG ang isang yate sa bisinidad ng karagatan ng Tubbataha, Palawan ngayong Linggo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na nangyari ang insidente alas-6:49 ng umaga na kinasasangkutan ng DIVE YACHT M/Y “DREAM KEEPER.”

Ayon sa PCG umalis ang yate mula sa San Remegio, Cebu City, alas-4 ng hapon noong Abril 27 at dumating sa Tubbataha Reef alas-10 ng gabi noong April 29, 2023.

Sinabi ng PCG na nailigtas ang 28 katao, samantalang apat pa ang naiulat na nawawala.

Exit mobile version