Yassi ‘iniwan’ ni gov; kinaawaan ng netizens

PINAGPIYESTAHAN ng netizens ang bagong viral video ng magkasintahang Yassi Pressman at Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte na kuha sa Kaogma Festival 2024 sa bayan ng Pili.

Sa video ay makikitang masayang nakikipag-usap si Villafuerte sa isang kaibigan bago sila naglakad at umakyat ng stage.

Naiwan mag-isa si Yassi habang nanonood sa performer.

Dali-dali namang sinundo ni Villafuerte ang aktres nang ipaalam sa kanya ng katabing babae sa stage na naiwan ng gobernador ang girlfriend sa ibaba.

Nakaramdam naman ng awa kay Yassi ang ilang netizens dahil sa pangyayari.

“Maaga pa girl, may panahon ka pa para magisip-isip!”

“Sayang ang ganda ni yassi.”

“Yung ang ganda mo tapos sa walang respeto ka lang babagsak.”

“Napansin niyo ba na nagtatawanan na yung dalawang girl na nasa stage habang naiwan si Yassi sa baba?”

“Red flag.”

“Yassi madami png guy jan isip isip.”

“Pagtapos mukbangin eh iiwan lang.”

Matatandaan na bago ito, nag-viral ang halikan nina Yassi at Villafuerte sa pagsisimula ng nasabing festival noong Huwebes.