Xian sa loyal fans: ‘Thank you for still being here’

TODO sa pasalamat si Xian Lim sa mga fans na hindi siya iniwan simula noong pagpasok niya sa showbiz.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang appreciation post sa mga fans na hindi siya binitawan hanggang noong maghiwalay sila ng aktres at TV host na si Kim Chiu.

“Thank you TEAM ALEXANDER for the love and for the support! Maraming salamat for always being here for me ❤️,” pahayag ni Xian.

“Thank you for still being here and supporting me through all these years 🙏,” dagdag niya.

Bago ito, inokray si Xian ng mga fans ni Kim makaraan niyang ulitin na hindi siya ang nakipag-break sa girlfriend.