Xian, pamilya may death threats

INIHAYAG ng aktor na si Xian Lim na nakakatanggap siya at ang kanyang pamilya ng death threats mula nang makipaghiwalay siya sa aktres-host na si Kim Chiu.

Sa isang panayam, sinabi ni Xian na kung ano-ano ang inaakusa sa kanya ng ilang netizens na idinadamay pa ang kanyang pamilya.

“It’s gotten out of hand na and that’s just the painful part of it. Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula,” aniya.

“I do not deserve the false accusations, the lies being spread,” dagdag ni Xian.

Ayon sa aktor, kaya niyang tanggapin ang galit ng fans pero sana ay huwag nang kaladkarin ng mga ito ang kanyang pamilya.

“I’m getting death threats, my mom is getting death threats that’s the gravity of situation I’m dealing with na. My family does not deserve that,” sambit niya.

Naiintindihan ani Xian kung bakit nagagalit ang ilang netizens pero iginiit niya na matagal na silang hiwalay ni Kim bago siya nakipag-date sa producer na si Iris Lee.