Xian muling binanggit si Kim sa interview; fans naimbyerna

KUHANG-KUHA ni Xian Lim ang ngitngit ng fans makaraang muling banggitin ng aktor ang pangalan ni Kim Chiu sa interview ni Boy Abunda nitong Miyerkules.

Ani Xian sa panayam, magkaibigan pa rin sila ng kanyang ex-girlfriend.

“Eversince we went our separate ways hindi pa po kami nakakapag-usap. But when that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin, merong iyakan but there was that assurance na…it has that respect, you know,” sambit ni Xian.

Muli, iginiit ng aktor na si Kim ang nakipag-break sa kanya. “I wasn’t the one who engaged in the separation. Yun lang,” giit ni Xian.

Hirit ng fans ni Kim, gamit na gamit ni Xian ang “It’s Showtime” host sa promotion ng movie nito na “Playtime.”

“Yung movie ba ni Xian Lim is about sa break up nya with Kim Chiu? Bat wala ako nakikitang balita about sa story ng movie nya kundi puro sa break up with Kim Chiu?”

“Kung ako sayo Xian, instead na pa interview ka ng pa interview sana nagworkshop ka nalang para naman gumaling ka sa pag arte! Gumawa ka ng sariling mong pangalan at ikaiingay hindi yung inaasa mo lahat sa ex mo.”

“Pakiusap! Tama na… tumahimik ka na! Mag no comment ka nalang!!! INGAY!”

“Xian should shut up if he wants to save his dying career.”