Xian Lim pinahirapan writers ng GMA?

AYON sa isang writer ng GMA, mahirap katrabaho ang aktor na si Xian Lim.

Ipinost sa Facebook ng Esquire Philippines ang exclusive interview nito kay Xian kung saan ibinahagi ng aktor ang nangyari sa relasyon nila ni Kim Chiu at iba pang rebelasyon.

Nagkomento sa post ang isang Brylle Tabora at isiniwalat na mahirap katrabaho ang aktor dahil ginawa nitong miserable ang buhay ng mga TV writers ng Kapuso network.

“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!” ani Tabora.

Nang ungkatin ng netizens kung sino si Tabora, lumabas na isa itong writer ng GMA.