Xian Lim nagpa-borta para sa pelikula

INIHAYAG ni Xian Lim na nagpalaki siya ng katawan para sa role niya sa suspense-thriller na “Playtime.”

“To those wondering and asking — I got my weight up to around 100kg (220lbs) for this role lol,” ani Xian sa Instagram post.

Paliwanag niya na ginawa niya ito para maging makatotohanan ang kanyang karakter.

“No one asked me to do it but it’s just a conscious effort to gain a little mass with the little amount of prep time I had to get into character and offer a little something different for this film,” sey niya.

Pinuri naman si Xian ng netizens dahil ang pelikula na niya ang kanyang binabanggit at hindi na ang ex-girlfriend na si Kim Chiu.

“Ganyan dapat. You talk about your project and your role. Hindi yung nandadrag ka ng mga taong wala naman nang kinalaman sa project mo at sa buhay mo. Keep it up!” ayon sa isang maka-Kim.