NAGPARINIG ang Thailand-based Pinoy social media personality sa Pinoy pop group na BINI na aniya ay “feeling nila mas sikat na sa Blackpink.”
Sa Facebook post, nagpahaging si Xian sa BINI sa pagsusuot ng mask, sumbrero at sunglasses ng mga miyembro nang dumating sa Cebu para sa kanilang concert nitong weekend.
“Ang mga K-pop superstars, kapag namamasyal sa pampublikong lugar eh naka-sombrero sila, naka-shades at naka-mask upang hindi sila dumugin. Pero kapag on the way sila sa isang show, kumakaway at nagba-bow sila sa mga die hard fans sa airport bilang respeto matapos silang maghintay ng matagal,” hanash ni Xian.
“It’s a very simple gesture to show humility in the middle of global stardom. At the same time, it’s a good strategy to market their group para mas lumawak pa ang kanilang fan base. Na kahit sobrang sikat na kayo eh nandito kayo sa harap naming lahat, walang takip ang mukha, greeting all of us. Very down to Earth. Sobrang nakakataba ng puso,” paliwanag niya.
“On the other hand, it’s good for business as walking products of your agency. Win-Win for everyone. Walang talo. Unless masyadong mataas na ang tingin niyo sa inyong mga sarili,” dagdag niya.
Sa comment section, tila kinumpara rin niya ang BINI kay Lisa Manoba ng BlackPink.
“Si Lisa ng Blackpink, kumakaway yan sa lahat ng fans club niya sa airport. Lisa na yun ha??” aniya.
“Baka feeling nila mas sikat na sila sa Blackpink.”
Bago ito, inokray ni Xian ang ilang BINI members na nagrereklamong dinudumog sila ng fans kahit nasa pribado silang lugar.
Mahabang talak ni Xian: “Ilang taon kayong naghahangad sumikat pero walang pumapansin sa inyo. Ngayong 2024 lang kayo nakakuha ng matinding break tapos magrereklamo na agad kayo kasi dinudumog kayo ng mga fans habang nasa pampublikong lugar?
“Mga Ate, public figure na kayo ngayon. Sobrang sikat na kayo that’s why yung mga fans ninyo ay nai-starstruck tuwing nakikita kayo. Kung gusto niyo pala ng personal space at privacy eh huwag kayong tumambay sa labas.
“Hindi sila yung dapat mag-adjust. Kayo ang dapat mag-adjust. Kung gusto niyo pala ng payapang buhay eh huwag kayong kumain sa mga mumurahing restaurant. Huwag kayong pumunta sa mga public space na maraming ordinaryong Pilipino para hindi kayo dinudumog at napeperwisyo. Imagine, papunta palang kayo sa peak ng inyong mga karera tapos mag-aattitude na kayo ng ganyan? Paano maco-convert into fans club yung ibang Pilipino kung ganyan na agad kayo? Hanapbuhay niyo yan eh. Pinasok niyo yan. Ginusto niyo yan. Panindigan niyo.”