Writer-director inokray Miss Universe PH 2024: ‘Baluga’

SA gigil dahil natalo ng kanyang “manok,” tinawag na “baluga” ng writer-director na si Ronaldo Carballo si Chelsea Manalo, ang newly-crowned Miss Universe Philippines.

Sa Facebook post, sinabi ni Carballo na nagtataka siya kung paano tinalo ni Chelsea ang kandidata ng Cainta, Rizal na si Stacey Gabriel.

“Juiceku! Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan,” simulang talak ni Carballo.

“Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!” dagdag niya.

Mas deserving sa korona, sey niya, ang bet niyang si Stacey Gabriel na mas maganda, sexy at matalino kumpara kay Chelsea.

“Kung sya ang nag-win, malaki ang chance ng Pinas sa Ms. Universe! Mark word, ni hindi papasok yang si Ms. Bulacan sa top 20 ng Ms. Universe! Andali namang i-judge, eh!” sambit ni Carballo.

“Sinayang na naman nila ang chance na magkaroon uli sana ng ika-limang Ms. Universe ang Pilipinas, with Ms. Cainta na queenly’ng queenly ang aura at kabuuan nya. Buwisit na mga judges yan!” dugtong niya.

Mensahe niya kay Stacey: “Congrats Ms. Cainta. You were robbed of the crown! You are the real Ms. Universe Philippines 2024!!!”