Win, Bianca binagyo sa Balesin

STRANDED ng isang araw sa Balesin ang magkasintahang Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo makaraang hagupitin ng bagyong Aghon ang isla.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang video na sakay sila ni Win ng golf cart habang hinahampas ng ulan at hangin ang sasakyan.

Habang takot na takot si Bianca ay chill lang at patawa-tawa ang senador.

Makikita rin sa video ang baha at ang pinsala na dulot ng bagyo.

Nakabalik naman ng Maynila ang dalawa kinabukasan.

“From summer days..to signal number 3 in Balesin – Polillio Islands. All flights cancelled. Got stranded for just 1 day. We lost power and water. But the next morning we were able to fly back to manila,” ani Bianca sa caption.