‘When I go to heaven, I will tell you if there are jeepneys there’

ITO ang mensahe ng anim-na-taong-gulang na si John Ethan Aries Amancia ng Argao, Cebu sa kanyang ina bago siya pumanaw sa sakit noong Hunyo 6.

Nag-viral ang kuwento ni Aries makaraang i-post ng ina niyang si Nida Villarte ang ipinagawa nitong nitso para sa kanya na kamukha ng isang 10F jeepney.

Ayon kay Nida, pangarap ng anak niya na makapagmaneho ng isang 10F jeepney.

“Blue 10F jeep was his favorite jeep because blue was his favorite color, and we also live in Bulacao so he liked that,” sabi ng ginang sa isang panayam.

“Another thing is that he said the 10F jeep is big. He won’t get cramped when riding it,” dagdag niya.

Kuwento pa ni Nida, guro sa isang unibersidad sa Cebu, madalas silang sumakay ni Aries sa kulay blue na 10F jeepney papunta sa nasabing unibersidad kung saan din nag-aaral ang bata.

Inihayag ni Nida na bago nalagutan ng hininga ang anak ay sinabi nito na sinusundo na siya ng sasakyan.

“Ma, naa na ang Blue 10F!” sambit ng bata. Sa isang Facebook post, ibinahagi ng ina ang chat nila ni Aries.

“Aries: Are there jeepneys in heaven, ma? Me: Oh my, I really don’t know, Doy. I’m sorry. Aries: It’s OK, ma. When i go to heaven, i will tell you lang if there are jeepneys there.”