PATULOY ang pagbaba ng water level sa siyam na dam sa Luzon lalo ngayon na dumaranas ang bansa sa matinding epekto ng El Niño at Easterlies.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang Easterlies ay mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean na siyang nagdadala ng mainit at maalinsangan na panahon.
Sa tala ng Hydrometeorology Division ng Pagasa nitong Martes ng umaga, walo sa siyam na dam na meron sa Luzon ang sinasabing patuloy na bumaba sa kanilang normal water level.
Ang Angat dam sa Bulacan na siyang pinagmumulan ng water supply sa Metro Manila ay mababa na sa water level nitong 212 meters matapos itong umabot sa 210.08 metro.