Warehouse sa Valenzuela nagwagayway ng bandera ng China; ikinandado

IPINAG-UTOS ng lokal na pamahalaan ng  Valenzuela City ang pagpapasara ng isang warehouse na nagwagayway ng bandera ng China dahil sa wala itong permit na mag-operate.

Napag-alaman ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng siyudad na nag-ooperate nang walang dokumento ang  STR Power Equipment Corp., isa sa tatlong kumpanya na umuupa sa warehouse.

Ikinandado ang warehouse nitong Huwebes. Nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa operasyon ng warehouse ang lokal na pamahalaan makaraang makita ang bandila ng China na nakadispley sa lugar.

Inaalam pa kung alin sa tatlong kumpanya ang responsable sa paglalagay ng bandera.