NILINAW ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na hindi papayagang makakuha ng educational assistance ang mga walk-in.
Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa ahensya gaya sa nangyari noong isang linggo.
“We won’t do that. That’s the strict instruction. This will be the difference,” ayon kay Tulfo.
Tanging ang mga benepisyaryo na nakapagregister online ang papayagan.
“I think this is a blessing in disguise because what President Ferdinand Marcos Jr. wants is to digitize the government. So we have to start it now,” ani Tulfo.