Walang trabahong Pinoy umabot sa 3.07M

NASA 3.07 milyong mga Filipino ang walang trabaho, base sa datos nitong Hulyo, ayon sa Philippine Statistices Authority.

Bagamat mas mababa ang 6.9 porisyentong unemployment rate nitong Hulyo kaysa sa mga nakalipas na buwan, mas maraming Pinoy ang may trabaho bagamat naghahanap pa rin ng trabaho dahil kapos ang suweldong nakukuha.

Ayon sa PSA, umakyat ang underemployment sa 20.9 porsiyento noong Hulyo o nangangahulugan ito na 8.69 milyon Pinoy ang may trabaho, bagamat hindi sapat.

Ayon sa PSA, nabawasan na ang mga walang trabaho noong Hulyo kumpara noong Hunyo na nasa 3.76 milyon.