Walang premarital sex sa Bible – Shaira Diaz

WALANG nagaganap na pagsisiping sa kanila ng fiance na si EA Guzman dahil wala umano sa Bible na maaaring ang magtalik ang dalawang tao bago ikasal, giit ng TV host-actress na si Shaira Diaz.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes muling naungkat ang pananatili niyang virgin sa mahigit 11 taon nilang relasyon ni EA.

“Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice,” paliwanag ni Shaira.

“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” dagdag ng aktres.

Gayunman, niinaw niya na hindi siya tutol sa mga couple na iba ang pananaw at paniniwala.

“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon sa pagkakasal namin,” chika pa ng “Unang Hirit” host.

Kaugnay nito, inihayag ng aktres na napag-usapan na nila ni EA kung sino sa kanila ang hahawak ng pera kapag ikinasal sila sa 2026.

“Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa…Pero pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na ‘Kapag kasal na tayo ikaw na ang hahawak ng pera natin’,” sey ni Shaira.