IDINEKLARA ng Palasyo bilang regular holiday ang Hunyo 6 at 12 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice) at Araw ng Kalayaan.
Ang Eid’l Adha ay isang Muslim holiday bilang paggunita ng ginawang pag-aalay ni Abraham sa kanyang anak bilang pagsunod sa Diyos. Ginagawa ito tuwing ika-10 araw ng Zhul Hiija or ika-12 buwan ng Islamic calendar.
“Following the 1446 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that June 6, 2025, Friday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” ayon sa inilabas na Proclamation No. 727 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Samantala, holiday din ang Hunyo 12, Huwebes, bilang paggunita sa taunang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng bansa sa kamay ng mga Español.