WALA umanong natatanggap na ulat ang Philppine National Police hinggil sa pagbabanta sa buhay ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging pahayag ngayong Lunes ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo matapos matanong kung may mga “credible” bang pagbabanta sa buhay ng bise presidente.
“Sa ngayon po, ang PNP, walang information as to the credible threat against the vice president,” ayon kaya Fajardo sa panayam sa radyo.
Matatandaan na nitong mga nakalipas na araw ay sinabi ni Duterte na may pagbabanta sa kanyang buhay, at dahil dito anya ay kumontrata na siya nang papatay kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta at Speaker Martin Romualdez.
“’Yan yung sinasabi na di natin alam at wala po tayong kopya nung sinasabi niyang documented threat,” dagdag pa ni Fajardo.
“But just the same. Since sya po ay ating bise presidente, tinatanggap po natin na ang threat ay inherent sa kanyang position and we are ready to provide security to her and any other government officials if requested,” pahayag pa ng opisyal.