TRABAHONG lokal at sa abroad ang naghihintay sa waiter mula sa Cebu City sakaling layasan na niya ang restaurant kung saan siya na-trauma makaraang sermunan nang dalawang oras ng transwoman na si Jude Bacalso dahil sa pagtawag niya ng “sir” dito.
Sa Facebook, sinabi ng isang Frederick Letigio na hinahanap niya ang waiter dahil may alok siyang trabaho rito.
“We will hire this person, refer this to us kung kinsa man gani to ang nakaela ani niya,” sabi ni Letigio.
Sa hiwalay na post, isiniwalat niya na nakatanggap siya ng mensahe mula sa isang Pinoy sa Greece na may alok ding trabaho sa waiter.
“A fellow countryman from Greece is willing to help you. The CEO of some hotels is her boss and is willing to assist you,” pahayag ni Letigio sa Bisaya.
“We will wait for you so we can connect the two of you if you are interested. We will not disclose the identity of the Good Samaritan. Just message me if you are ready. I can’t message you because your name is not searchable even though some have reached out to me. But we will just wait for you to be ready,” dagdag pa nito.