HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga Filipino na panatiliin ang pakikiramay, awa at pagiging bukas-palad sa kapwa sa paggunita sa Pista ng Immaculate Conception.
Sa kanyang video message, isinentro ni Duterte ang mga aral ni Blessed Virgin Mary, at hinimok ang mga kababayan na maging inspirasyon nila ito para lalo pang magiging matatag sa gitna ng mga pagsubok.
“The enduring faith and steadfast joy exemplified by the Blessed Virgin Mary demonstrates an example of unwavering love that remains dauntless in the face of challenges and tribulations,” ani Duterte.
Hinimok rin niya ang mga Pinoy na higit na pahalagahan ang mga araw ng Birheng Maria sa pagtulong sa mga mahihirap na kababayan.
“May the solemn observance of this day invite us all to join hands in prayer as we extend a helping hand to the needy, show mercy to those who are facing injustices, and extend love and kindness to our kababayan in the underserved and unserved communities,” dagdag pa nito.
“Let us be guided by our resilience that is rooted in faith in every trying time as we look forward with profound hope and optimism to a better future for every Filipino,” anya pa.
Pinaalalahanan din nito ang mga Pinoy na patuloy na ituon ang anumang paggawa na higit na ikadadakila ng Diyos, at gawin ito para sa bayan at pamilya.
“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa bayan at sa bawat pamilyang Filipino,” anya pa.