VP Sara impeachment trial: Busy mga senador, walang caucus, sabi ni Chiz

WALANG balak na mag-caucus ang mga senador para pag-usapan ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, tinabla ng mga senador ang ipinapanukalang all-member caucus dahil abala ang mga ito sa kasalukuyan.

“Not at this time, no,” ayon kay Escudero nang matanong sa inihahaing all-member caucus ni Senate minority leader Koko Pimntel.

Anya, mahihirapan magkaroon ng all-member caucus ngayon dahil maraming senador ang nasa abroad at hindi available at ang iba naman ay hindi talaga interesado.

Iginiit din ni Escudero na hindi nito dinidelay ang trial ni Duterte, kundi ginagawa lang nila ang legal at naayon sa Konstitusyon.

Gayunman, idinagdag nito na pinaghahandaan ng Senado ang trial.

Tiniyak din nito na magsisimula ang trial matapos ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo.