NAG-isyu na ng subpoena ang House Tri Committee nitong Martes laban sa mga vloggers at social media influencers na patuloy na nang-dedma sa ginagawang pagdinig hinggil sa fake news.
Ayon sa komite, nahaharap sa legal na aksyon ang mga ito sakaling hindi pa rin sumipot sa mga susunod na pagdinig.
Nitong Martes, inisnab ng mga vloggers at social media influncers na sina Trixie Cruz-Angeles, Krizette Laureta Chu, Sass Rogando Sasot, Mark Anthony Lopez, Lorraine Marie Badoy-Partosa, Jeffrey Almendras Celiz (Eric Celiz), Dr. Richard Mata, Ethel Pineda Garcia, Joie De Vivre (Elizabeth Joi Cruz), Aaron Peña at Mary Jean Reyes ang tri-com.
Si Abang Lingkod Party-list Rep. Stephen Paduano ang humirit na ipa-subpoena na ang mga ito, na agad namang inaprubahan ng tri-com chair Antipolo Rep. Romeo Acop.
Paduano said Cruz-Angeles, who had publicly questioned the legitimacy of the congressional inquiry, was issued a show cause order due to her actions against the hearing.
Ayon naman sa mga pinatatawag ng komite na mga vloggers at influencers na hindi sila dadalo sa pagdinig dahil sa may inihain silang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa nasabing pagdinig.