Vlogger nasobrahan sa mukbang, inatake, patay

PAGMUKBANG sa nilagang ulo ng baka ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang Iligan City-based vlogger na si Dongs Apatan kamakailan.

Ayon sa ulat, umalis ng bahay makaraang mananghalian ni Apatan noong Hunyo 14.

Bago ito ay gumawa ng mukbang content ang vlogger kung saan nilantakan niya ang isang nilagang ulo ng baka.

Makaraan ang ilang oras ay nakatanggap ng tawag ang pamilya na isinugod sa pagamutan ang vlogger.

Wala nang malay si Apatan nang datnan ng mga kapamilya. Ayon sa mga doktor, may namuo umanong dugo sa utak nito.

Tinangka pang isalba ng mga manggagamot ang vlogger pero hindi na ito naka-survive.

Naniniwala ang pamilya na ang atake ay bunsod ng mga putok-batok na pagmumukbang ng vlogger.