PUMANAW ang Korean drama actor na si Na Chul nitong Sabado. Siya ay 36-anyos.
Sa report ng Soompi nitong Linggo, sinabi nito na ang “Vincenzo” star ay pumanaw habang sumasailalim sa isang health treatment. Hindi naman tinukoy kung anong uri ang sinasabing treatment.
Ang kanyang burol ay gagawin sa Lunes (Jan. 23), sa Soonchunhyang University Hospital’s Funeral Home sa Seoul.
Bukod sa “Vincenzo” na pinagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki, lumabas din si Na Chul sa mga hit series na “Hospital Playlist 2,” “Little Women,” “Happiness,” “Jirisan,” at “Weak Hero Class 1.”