Vice Gov Ejay Falcon nagtapos sa kolehiyo

NAGTAPOS ngayong araw ang aktor at bise gobernador ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon ng kursong Political Science major in Local Governance sa University of Makati (UMak)

Kasama ni Ejay na dumalo sa graduation ang misis niyang si Jana Roxas.

Ayon sa ulat ni MJ Felipe, nakamit ni Ejay ang bachelor’s degree nito sa pamamagitan ng programang College of Continuing, Advanced and Professional Studies ng UMak.

Inabot ng 17 taon bago nakapagtapos ng kolehiyo ang actor-politician na unang nakilala sa Kapamilya show na Pinoy Big Brother, dagdag ni MJ.