Veteran journalist Sheila Crisostomo pumanaw sa edad na 54

PUMANAW ang beteranong mamahayag na si Sheila Crisostomo nitong Miyerkules, dalawang araw matapos siyang ma-stroke.  Siya ay 54.

Binawian ng buhay si Crisostomo, reporter ng Philippine Star sa loob ng tatlong dekada, habang naka-confine sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

“We are saddened to announce that our beloved Sheila Crisostomo y Villaflores passed away at 10:53 p.m. on January 15, two days after suffering a stroke, post ng kanyang kapatid na si Allan Crisostomo sa Facebook.

Ikinagulat ng maraming kasamahan sa media na mga kaibigan din ni Crisostomo ang kanyang pagpanaw. 

Umapaw ang pakikiramay sa pamilya ni Crisostomo hindi lamang ng kanyang mga kaibigan at kasamahan kundi mga tao at ahensiya na kanyang na-cover sa mahabang panahon niyang paglilingkod bilang mamamahayag.

Una nang nagpabatid ng pakikiramay ang Department of Health na mahigit dalawang dekadang kinover ni Crisostomo.

“Sheila Crisostomo was always true to her duty—asking the right questions, gathering data, and helping communicate health risks and information—so that Filipino public health may be better protected. She will be missed,” ayon sa pahayag ng DOH.

Taus-puso rin ang pakikiramay na ipinabatid ng Alliance of Health Workers (AHW).

Ayon sa AHW si Crisostomo ang naging kanilang boses na nagsusulong ng katotohanan at katarungan na may kinalaman sa kanilang sektor.

“Si Sheila ay hindi lamang isang tapat na tagapagbalita kundi isa ring masugid na tagapagtaguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga health workers at karapatan sa kalusugan ng mamamayan. 

“Ang kanyang mga isinulat ay nagbigay liwanag sa mga isyu na kinakaharap ng mga manggagawang pangkalusugan, tulad ng privatization ng Philippine Orthopedic Center (POC) at iba pang pampublikong ospital, naantalang benepisyo ng health workers, panawagan sa nakabubuhay na sahod at iba pa.  Ang kanyang dedikasyon at malasakit sa mga isyung ito ay naging inspirasyon sa marami sa amin,” dagdag pa nito.

Inilarawan naman ni Miguel Belmonte, pangulo at CEO ng Philippine Star, si Crisostomo bilang “loyal and hardworking staff member” na nagsilbi sa pahayagan sa mahabang panahon.“Most of all, she had a good heart—toward her coworkers and for the less fortunate. She will be greatly missed,” dagdag pa nito.

Maliban sa masipag, mahusay na mamamahayag, si Crisostomo ay isang mabuti at tapat na kaibigan.

Si Sheila Crisostomo (kaliwa) at matalik na kaibigan na si Cecille Suerte Felipe (Photo grabbed from Sheila Crisostomo’s Facebook page)

“Sheila has always been a source of unwavering support, offering her wisdom, encouragement and kindness in every situation. She is the kind of friend who listens without judgment, celebrates your successes as if they were her own and stands by you during the toughest times,” ayon sa matalik nitong kaibigan at kapwa journalist na si Cecille Suerte Felipe.

“Over the years, we have shared countless memories, laughter and even tears, forging a connection that goes beyond words. Sheila’s nurturing nature and her ability to uplift those around her have made her not just a friend but truly a sister in every sense of the word. Twin na nga raw kami,” anya pa.

Inilarawan naman ni Blanche Rivera, dating reporter ng Philippine Daily Inquirer, si Crisostomo na “champion ng masa’.

“We called her champion ng masa because she would do random acts of kindness to strangers. That started when someone approached her at SM North asking for money for medicines for his kid. She asked if it was really for medicines. To be sure, she went with him to the drugstore and bought the medicine herself,” ani Rivera.

Naulila ni Crisostomo ang kanyang ina na si Luzviminda, kapatid na si Allan at hipag na si Acel, at mga pamangkin na sina Abby at Alecs.

Ang kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa Saluysoy Barangay Hall sa Meycauayan, Bulacan.