PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez ngayong Martes, Agosto 29, 2023. Siya ay 71.
Kinumpirma ni Mel Tiangco, ang co-anchor ni Enriquez sa primetime newscast ng GMA-7 na “24 Oras”.
”Booma You will be missed,” pagkukumpirma ni Unang Hirit TV host Lyn Ching sa pagyao ni Enriquez, bago pa ang opisyal na kumpirmasyon ni Tiangco.
Sa 24 Oras na newscast nitong Martes ng gabi, pawang mga nakasuot ng itim ang mga co-host ni Enriquez na sina Tiangco, Vicky Morales at Emil Sumangil.
Si Enriquez ay host din ng mga programang “Saksi”, “Super Radyo DZBB” at “Imbestigador”.
Ayon naman kay Julius Manahan, sumakabilang-buhay ang kanyang mentor dahil sa cardiac arrest.
Matatandaang sumailalim sa heart bypass surgery si Mike noong 2018 at kidney transplant noong 2021.