PUMANAW na si Gloria Romero, ang isa sa pinakamagandang aktres sa Philippine showbusiness. Siya ay 91.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez ang pagpanaw ng ina nitong Sabado.
Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.
“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages and heartfelt condolences that we’ve received,” ayon sa anak ni Romero na si Maritess Gutierrez sa social media.
“She will surely be missed dearly.”
Si Romero ay lumabas sa mahigit 250 pelikula at TV productions.
Kinilala siya bilang “First Lady of Philippine Cinema.”
Sa ilang dekada niyang pananatili sa industriya ng pelikula, nakatanggap si Romero ng sari-saring awards bilang Best Actress at Best Supporting Actress mula sa FAMAS, Film Academy of the Philippines, Gawad Urian at marami pang iba.
Ilan sa mga kinilalang pelikula niya ay ang Dalagang Ilocana (1954), Nagbabagang Luha (1988) at Tanging Yaman (2000).