Vergeire bagong vax center head

UUPO si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang bagong chair ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

Ito ang inihayag ngayon ni outgoing NVOC chair Myrna Cabotaje sa briefing ngayong Miyerkules>

Ayon kay Cabotaje, maiiwan si Vergeire sa Department of Health (DoH) bilang career na opisyal.

“Huwag po sila mag-alala, ang papalit sa amin na aalis na ay kasing galing, kung hindi man mas magagaling. Ang magti-take over ng ating National Vaccination Operations Center ay si Usec. Vergeire, kasi siya po ang maiiwan dito sa Department of Health. So, the vaccination program will be in good hands,” sabi ni Cabotaje.